Friday, August 12, 2011

Poem 30 - Salamat Mga Kaibigan

Salamat sa mga tunay na kaibigan
Salamat sa pagmamahal na walang hanggan
Salamat sa suportang di nag-aalinlangan
Salamat, salamat ngayon at magpakailan man.

Kung wala kayo, hindi buo ang pagkatao ko
Dahil sa inyo, buong-buo ang mundo ko
Hindi ko maatim ang mawalay sa inyo
Kayo ang dahilan at naging makabuluhan ang buhay ko.

Ang boses kong nananaghoy mag-isa
Ay dumadagundong dahil kayo'y aking kasama
Pilit mang lunurin ito ng kahit anong delubyo
Di ako matitinag dahil nakaalalay kayo.

Kayo ang sandalan ko pag mahina ako
Kayo ang nagbibigay lakas sa bawat laban ko
Kahit anong hirap ang susuungin ko
Kapag andyan kayo, laban kung laban ang sigaw ko.

Sadyang napakapalad ko dahil sa inyo
Isang pakiusap lang, dumadamay agad kayo
Hindi nag-aatubili, ang suporta ay abot langit
Kahit nahihirapan, ako'y napapangiting pilit.

Salamat sa inyo, mga tunay kong kaibigan
Hindi sapat ang buhay ko para kayo'y pasalamatan
Ang likha kong ito'y buong pusong inaalay
Para sa inyo ito, mga kaibigan kong tunay.


No comments:

Post a Comment