Showing posts with label poem. Show all posts
Showing posts with label poem. Show all posts

Friday, March 7, 2014

Poem 164 - Ibubulong Ko Na Lang Sa Hangin

Buo na naman ang araw ko
Nang makita kita sa kanto
Ang ganda mo ay di nagbabago
Malakas talaga ang tama ko sa iyo.

Halos hindi ako kumukurap
Titig na titig sa taong pinapangarap
Walang mapagsidlan ang aking saya
Makita ka lang ay langit na.

Subalit di ko magawa ang lumapit
Ang kabog ng dibdib ko ay abot-langit
Ang simpleng pagbati ay di ko masambit
Ang dila ko ay anyong nagkapilipit.

Ibubulong ko na lang sa hangin
Ang hiling nitong aking damdamin
Sana'y makarating at iyong dinggin
Dahil ikaw lang ang tanging mamahalin.

Sa tuwing magtama ang ating mga mata
Napapayuko na lang ako dahil sa kaba
Pero ang aking puso ay nagdiriwang
Sobrang saya ko kahit matingnan mo lang.

Nang minsang nagkasalubong tayo
Di ko alam kung anong gagawin ko
Nang ngumiti ka ay natulala ako
Para bang angel na nagkatotoo.

Sana'y magkaroon ako ng pagkakataon
Pati na ang lakas ng loob ay maibaon
Upang itong damdamin ay iyong malaman
Na sa puso ko ay ikaw lang ang nakalaan.

Ibubulong ko na lang sa hangin
Itong lihim kong pagtingin
Umaasang mararamdaman mo rin
Kahit ang dampi nito sa hangin.


Friday, February 28, 2014

Poem 163 - Karamay Ko Ang Langit

Umiiyak na naman ang langit
Ramdam ko ang kanyang pasakit
Ibinuhos nito ang nararamdaman
Kahit sa gitna ng karimlan.

Animo'y walang katapusan
Ang hinagpis ng kayang kalooban
Ilang daang milya ang pinanggalingan
Mula sa kalawakan hanggang kalupaan.

Marahil ay ganoon katindi
Ang dulot ng kanyang pighati
Walang humpay na pagdurusa
At tumatangis siyang mag-isa.

Akala ng langit ay nag-iisa siya
At walang nakakaintindi sa kanya
Heto ako at sumasabay din
Puno ng pighati ang aking damdamin.

Halos walang patid ang mga luha ko
Umaagos na para bang gripo
Kahit na namumugto na ang mga mata
Pati pagtulog ay kinalimutan ko na.

Ngayon ko lang sinapit ito
Ang sakit tagos hanggang buto
At kahit na anong pag-iyak ko
Ayaw tumigil ang pagluha ko.

Karamay ko ang langit ngayon
At pareho kami ng sitwasyon
Ang walang tigil niyang pag-ulan
Na siya ko ring sinasabayan.

Patuloy ang pagbuhos ng ulan
Para bang wala nang katapusan
Tulad din ito ng mga luha ko
Ayaw tumigil kahit anong gawin ko.

Karamay ko ang langit ngayon
At alam niya ang aking sitwasyon
Sana sa pagtila ng kanyang ulan
Itong pasakit ko nawa'y maibsan.


Friday, February 21, 2014

Poem 162 - When I See You Cry

When I see you openly cry
I ask myself why
You don't hide your crying face
Must have been hard to cry in solace.

You really touch my heart
I can feel you're breaking apart
The pain must be unbearable
And you are not unbreakable.

Just cry and shed all the tears
Release the pain including all your fears
Crying will not make you a lesser man
It only shows that you're still a human.

I may never feel your pain
Or tell that you're still sane
The fact that you are crying
Must feel like you are dying.

I may not understand at all
The reason of your downfall
But rest assured I am here
You got my support and care.

Don't be ashamed to cry
And you don't have to tell the reasons why
As a friend, I am here for you
I will always stand by you.


Friday, February 14, 2014

Poem 161 - Journey

It's two minutes past midnight
darkness yearns me to see some light
I'm in the middle of nowhere and all alone
I'm going home towards my bastion.

The destination is certain but the path is unknown
There's no telling if I'll ever make it on my own
I can only hope for a safe passage within this journey
And make it home by the first light of the day.

Home is where my heart and soul belong
It is like my all time favorite song
Its melody is soothing and a comfort to my soul
It is my everything or nothing at all.

So, here I am staring at a starry sky
Wishing at the stars to keep my spirit high
Hoping this journey will further strengthen me
And defy all odds along my way.

It is with great hope and aspiration
To my home I will always gladly return
My home makes my whole and sturdy
It makes me fight for this life with all its agony and glory.


Friday, February 7, 2014

Poem 160 - My Destiny

There is no telling
If you are the one for me
Let's leave that thing over time
If you will be my destiny.

I have no criteria whatsoever
For the one who's right for me
I am simply looking for someone
Who will lovingly share her life with me.

Rare is the find for the one
Who's a perfect match from heaven
All I could ever wish for
Is for her to become my heaven.

So, let's take some time
And find out the best in each other
Let's see if the company what we share
Has this gift of love to offer.

If one day we will find out
That we are simply dreaming
We can amicably part ways
And end without hurting.

But if ever you will be the one
Who loves to share her life with me
Then, I will gladly embrace you
And declare you as my destiny.


Friday, January 31, 2014

Poem 159 - The Ride Home

The ride home is like a race
As the wind rush to my face
The sun sets in the west
While the full moon shines in the east.

I yearn to be home the soonest
To be in the fold of my love dearest
The ride seems slow and a bit tiring
The desire to be home is ever wanting.

The light and darkness collide
Along with our pace in stride
The thought of you waiting for me
Is a great consolation there could ever be.

It's just a matter of time, they say
Where home will be an arm's reach away
The excitement keeps my spirit alive
Hoping that everything will jive.


Friday, January 24, 2014

Poem 158 - Pasahero

May isang magandang pasahero
Na pinasakay ng driver na kaskasero
Lahat ay nabighani sa kanyang ganda
Halos lumuwa ang kanilang mga mata.

Umupo sa bandang gitna ang dalaga
Ang maigsi niyang damit ay umurong pa
Pasimple kung sumulyap ang karamihan
May naglalaway pa at gusto siyang hubaran.

Ang matandang dalaga ay halos himatayin
Sa ayos ng katabi ay para siyang aatakehin
Panay ang himas sa kanyang rosaryo
Na para bang nakakita ng isang maligno.

Ang magsyota sa tapat ay nag-aaway na
Todo selos si babae sa gandang ipinagkait sa kanya
Si lalake ay hindi maalis-alis ang tingin
Kulang na lang ang mga mata niya ay bubulagin.

Ang magkakabarkada ay panay ang bulungan
Sila ay nag-iinit at simulang pagpawisan
Kung makatingin akala mo ay gagahasain
Ang dalagang kaakit-akit sa kanilang paningin.

Maging ang driver ay hindi mapakali
Sa salamin nakatingin at hindi sa kalye
Mahigpit ang hawak sa kanyang manibela
Pati ang kambyo ay pinanggigilan na.

Walang anu-ano'y ang lahat ay nagulantang
Ang dyip sa gitna ng kalsada ay nakahambalang
Nalubak ang dyip sa bukas na manhole
Ang isang pasahero ay biglang nagkabukol.

Ang loob ng dyip ay biglang nabulabog
Ang mga pasahero ay unahan sa pagsubsob
Halos magkahiraman sila ng mga mukha
Sabay mura sa driver ng 'walang hiya.'

Ang driver ay halos hindi makangiti
Dumugo ang bibig at ang ngipin ay nabungi
Napakamot ng ulo sa sinapit ng pasada
Ng dahil sa pasahero sila ay nadisgrasya.

Kahit na karambola ang kanilang kinalabasan
Ang mga pogi ay abot-langit pa rin ang kasiyahan
Nagkaroon kasi sila ng magandang dahilan
Upang ang magandang bebot ay kanilang mahipuan.

Ang magandang pasahero ay halos mahubaran
Halos lahat ng lalake sa kanya ay nakadagan
Napangiti na lang siya kahit masaklap ang sinapit
Agad na nag-ayos ng sarili at tumayong pilit.

Sino nga ba ang may kasalanan
O sadyang dumaan lang ang kamalasan
Pero ang bunton ng sisi ay sa driver na pasaway
At di nakapagtimpi sa alindog ng kanyang sakay.


Friday, January 17, 2014

Poem 157 - Salamat, Kaibigan

Sa hindi inaasahang pagkakataon
Ako'y nadapa at nahirapang makabangon
Sadyang napakasaklap nang sinapit ko
Daig ko pa ang sinakluban ng mundo.

Pakiramdam ko ay katapusan ko na
Nakalugmok na ako at nahirapang huminga
Anong delubyo ang pangyayaring ito
At sobrang malas naman ang inabot ko.

Salamat, kaibigan, sa pagdamay mo
Salamat at inabot mo ang kamay ko
Muntikan na akong mawalan ng pag-asa
Pati itong buhay ay bibigay na sana.

Mahirap pala kapag dapang-dapa ka na
Ang mga kakilala ay naglalahong bigla
Sa hirap kung saan mo sila mas kailangan
Iilan lang ang iyong pwedeng makakapitan.

Isa itong masakit na katotohanan
Kapag kasawian na ang pinag-uusapan
Silang mga taong itinuring nating kaibigan
Lumalapit lang sila kapay may kailangan.

Salamat, kaibigan, sa ipinakita mong kabaitan
Langit ang hatid mo sa gitna nitong kapighatian
Salamat at ako'y hindi mo pinabayaan
Habangbuhay kitang laging papasalamatan.


Friday, January 10, 2014

Poem 156 - Eve of New Year

It is the eve of new year
I've been waiting for you here
For the longest time ever
Waiting feels like forever.

Where in the world are you
There's no trace even your shadow
Suddenly you disappear
And not wanting to be near.

What makes your change of heart
For my world is breaking apart
I've been longing for your embrace
It's warmth and love I surely miss.

I am not a mind reader
And surely not a heart breaker
I'm sure we can talk things over
And hold on to our forever.

Here I am, patiently waiting
Staring at the sky, praying
Be safe wherever you are
Come home and my love will heal your scar.


Friday, January 3, 2014

Poem 155 - Easy Come, Easy Go

I look up and see
The clouds just above me
Floating and hovering
Intently watching.

I close my eyes and feel
The kiss of the wind so real
It makes me realize
About the things I fantasize.

Just like the clouds above
some things you can't have
The feel of the passing wind
Does not last until the end.

Uh-oh uh-oh ohhhh
Easy come, easy go
Uh-oh uh-oh ohhhh
Life's too good to be true.

I dance in the rain
To drive away my pain
It gives me the freedom
Away from my boredom.

I dream of you always
come sunny or rainy days
Just the thought of you
Drives away the shade of blue.

The heavy rain may fall
And I might cry my all
But when I think of you
Makes me smile so true.

Uh-oh uh-oh ohhhh
Easy come, easy go
Uh-oh uh-oh ohhhh
Life's too good to be true.

Friday, December 27, 2013

Poem 154 - I Refuse To Sink

I refuse to sink
To the bottom of the ocean
The reason of my struggles
There must be a greater plan.

It is never easy
Swimming against the tide
But it is a no no
To fold and cowardly died.

I refuse to sink
Even if the world is against me
I just cannot surrender
My precious life and my destiny.

I know the battle will be hard
And the process could be draining
But I have to hold on
Because this means my everything.

I refuse to sink
Even with the bleakest certainty
I have to hold my ground
And fight come what may.

You can pull me down
But make sure to give your all
The moment I bounce back
I'll hit you with your hardest fall.


Friday, December 13, 2013

Poem 152 - Fool

I never learned my lessons
The ones you thought me
Through the passing of time
They're all the same all day.

You always have a way
To make certain believable pleadings
Only to my realization
That you have hurt my feelings.

When things go out of hand
You make so much promises
And for countless times
You're referring to end of days.

I cannot understand
Your being good at lies
You keep on fooling me
While pretending to be wise.

I used to adore you
Treating you as my own
But with your given interests
Someone you can easily disown.

I guess I have my fill
Of turning a blind eye
Therefore, I made up my mind
To you, I bid my goodbye.

Goodbye to you
And to your deceptive nature
I'd rather live alone
Than trusting you a doom future.

Friday, December 6, 2013

Poem 151 - Hey, Miss

Lagi na lang kita nakikita
Sa harap ng tindahan na nakatunganga
Para mo na rin itong opisina
Wala nga lang maniniwala na boss ka.

Simula pa lang nang pagputok ng araw
Hanggang sa ang dilim ay dumalaw
Nakaalis at nakauwi na ako
Nasa tindahan ka pa rin dyan sa kanto.

Sobrang nahiwagaan talaga ako
Kung anong klase kang tao
Kaya't nagtanung-tanong ako
Na-curious sa pagkatao mo.

Hey, miss, na tambay sa kanto
Di ko masabi na anong ganda mo
Di ko alam kung nagugustuhan na kita
At di ko pa magawang lapitan ka.

Hindi naglaon ay nalaman ko rin
Ang babaeng laman ng aking paningin
Hindi ko alam kung ano ang iisipin
Ngayong natuklasan ko na ang iyong lihim.

Marami pala ang mga raket mo
Malamang ay daig mo pa ang sahod ko
Ending, five-six, hulugang mga gamit
Dinaig mo pa ang bumbay sa iyong mga raket.

Isang gabi ng ako ay papauwi
Nakita kita na nanggagalaiti
Ang karga mong bata ay di mo mapatahan
Ang isa pang bata ay minumura mo naman.

Hey, miss, na tambay sa kanto
Gusto ko pa naman ang ganda mo
Di ko inakala na nanay ka na pala
Napakabata mong nakapag-asawa.

Akala ko ay dalawang paslit lang
Pero may humahangos pang isang nilalang
Ang tatay daw nila ay nagwawala
Lasing at hinahanap ka na yata.

Mura ka nang mura habang papaalis
Ang lahat nang madaanan ay parang winalis
Para kang siga sa iyong inasta
Tyak ang mga miron sa inyo ay magpipiyesta.

Ang buhay nga naman kung minsan
Sadyang kakatwa sa ating inaasahan
Subalit ito ang realidad ng mundo
Gaya ng babaeng tambay sa kanto.

Hey, miss, na tambay sa kanto
Talagang pinahanga mo ako
Ngayon ay nakilala na kita
Saludo ako dahil pambihira ka.

Friday, November 29, 2013

Poem 150 - Salawahan

Hindi ko inaasahan
Na ikaw any magugustuhan
Marahil ay nakalaan
Ang ating pag-iibigan.

Masasayang mga araw
Daig pa ang mainit na sabaw
Mundo man ay magunaw
Hindi tayo malulusaw.

Subalit biglang nag-iba
Ang iyong nadarama
Bigla kang nang-iwan
Nang walang dahilan.

Labis akong nasaktan
Puso ko ay nasugatan
Halos ikamatay ko
Ang biglang paglisan mo.

Ang masaklap pang balita
Meron sa iyong nakakita
May kasama ka raw na iba
At sobrang saya nyo pa.

Akala ko ay ikaw na
Ang tangi kong pagsinta
Ikaw pala ay salawahan
Nagpapaasa sabay mang-iwan.

Hindi ko akalain
Na ako'y iyong paikutin
Ikaw pala ay salawahan
At walang kasiguraduhan.

Friday, November 22, 2013

Poem 149 - Misery

I am still awake
In the middle of the  night
I am feeling blue
And it is a sorry sight.

I've been thinking of you
For quite some time now
I keep on wondering
What happened to our vow.

We promised each other
To love and to cherish
Through thick and thin
This life we will flourish.

But your heart changed
For reasons unknown
You just walked away
Leaving me so soon.

I say you are unfair
For keeping me clueless
You placed me in a limbo
Suspended and in darkness.

I am still hoping
And praying that one day
You'll find enough courage
To lift me up from this misery.


Friday, November 15, 2013

Poem 148 - Bakit Iisa Lang Ang Kulay Ng Bahaghari

Nakaupo ako sa tabi ng bintana
Sinasariwa ang mga gunita
Nakatingin sa may kalayuan
Binabalikan ang nakaraan.

Kay ganda ng ating simula
Pag-ibig ang siya nating panata
Marami tayong mga pangarap
Sintayog ito ng alapaap.

Masasaya't makukulay na mga sandali
Mga ngiting sa labi'y namumutawi
Walang katapusang kaligayahan
Sa isa't isa tayo'y nakalaan.

Ngunit ang alapaap ay natakpan
Mga ulap na ang hatid ay ulan
Nagising na lang tayo kinabukasan
Kapwa bigo at naging luhaan.

Masakit tanggapin ang katotohanan
At sadyang madaming mga dahilan
Kasabay nang pag patak ng ulan
Inagos ang pag-ibig natin ng tuluyan.

Heto ako ngayon at nag-iisa
Tanaw ang alapaap at hanap ka
May bahagharing gumuhit sa langit
At napapangiti ako nang pilit.

Bakit iisa lang ang kulay
Ng bahagharing nakatunghay
Ako ba ay namamalikmata
O sadyang nag-iba na talaga.

Doon ko lang napagtanto
Kung bakit ako'y biglang nalito
Puno pala ng luha ang mga mata ko
Ang mga kulay ay napag-isa ko.

Friday, November 8, 2013

Poem 147 - Only A Memory

I stared into a dusky sky
Long after the sun had set
I've been sitting here for sometime
The place where you and I met.

The powdery sand makes a perfect place
A front seat to enjoy the view
Sunset is always a romantic moment
Where there's me holding you.

I can still remember our sweet nothings
The ones we whispered in the air
They make watching sunset wonderful
Until my world turned into despair.

It was just a matter of seconds
When the light turned into darkness
I am still sitting right here
Holding on from a scattered mess.

I can't remember for how long
Since you shared this spot with me
I find it hard to get over you
Even if you've become a memory.

Only a memory, that's what you are
A bitter sweet and unforgettable one
I don't know for how long I'll mourn
Keeping a memory of you after my love is gone.

Friday, November 1, 2013

Poem 146 - Nagdurugo Rin Pala Ang Langit

Kasabay nang paglalakad ko sa kawalan
Siya namang simula nang pagpatak ng ulan
Parang nakikiramay ang kalangitan
Sa sobrang sakit na aking nararamdaman.

Dama ko ang mga malalaking patak
At binubura nito ang aking mga yapak
Di ko ninais na tumakbo at sumilong
Sa ilalim ng ulan ako'y nagpapakalulong.

Ang mabigat na dalahin ko'y nababawasan
Sa bawat pag tama nang patak ng ulan
Ang sakit na dala-dala ko'y nalulusaw
Pati na ang kasawiang naghuhumiyaw.

kasabay nang malakas na pagbuhos ng ulan
Tila ba naibsan ang aking kalungkutan
Marahil ay nakatulong upang maibsan
Ang mga luhang sadyang di ko mapigilan.

Nagdurugo rin pala ang langit
Animo'y nakakaramdam ito ng sakit
Dama nito ang pighati ng puso ko
At ang pagdurusang sinapit nito.

Nagpakalunod ako sa ilalim ng ulan
Pati na sa mga luha ng kasawian
Malaya akong kumawala sa kapighatian
Nang hindi napapansin ninuman.

Biglang naging maaliwalas ang kalawakan
At kasabay na rin ang pagtila ng ulan
Nakatawag pansin sa akin ang kanluran
Nagkulay dugo ang parte ng kalangitan.

Bakit naging kulay dugo ang kanluran
Dama ba hanggang langit itong kalungkutan
Paraan kaya ito ng kalikasan
At ako ay kanyang binabantayan.

Nagdurugo rin pala ang langit
Animo'y nakakaramdam ito ng sakit
Dama nito ang pighati ng puso ko
At ang pagdurusang sinapit nito.

Friday, October 25, 2013

Poem 145 - Glory Of Your Love

It's been a long time
Since I last saw you
I can't help but to smile
Seeing the pictures of you.

Memories begin to flood
So abundant and very clear
They still remain fresh
Holding you year after year.

How will I ever forget
The most beautiful part
A life you have changed
And brought a brand new start.

You opened my senses
And life becomes exciting
I hardly noticed it
When you became my everything.

Life never felt so good
Since the day we're together
I kept on praying
That ours will be a forever.

But even for a short time only
What we shared becomes my treasure
You were always at your best
Even with life's simple pleasure.

To date, you're still the one
The best this life ever have
You make me smile all the time
Remembering the glory of your love.


Friday, October 18, 2013

Poem 144 - Sabihin Mong Mali Ang Pag-Ibig Ko

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawaglit
Ang sigaw ng puso kong nagpupumilit
Ikaw lang ang tanging minamahal ko
Mula noon hanggang sa dulo ng buhay ko.

Hindi ko mawari kung bakit tanging ikaw
Ang pag-ibig sa puso ko ang syang pumukaw
Napapangiti kahit na walang dahilan
Tuwing kita'y maisip o masilayan.

Sabihin mong mali ang pag-ibig ko
Na sadyang inilalaan lang sa iyo
Sabihin mong mali ang pag-ibig ko
At hindi ito nararapat sa iyon.

Ang araw ko ay kinukumpleto mo
Kahit mabanggit lang ang pangalan mo
Ang saya ay sadyang walang mapagsidlan
Kapag ika'y makita nang tuluyan.

Siguro ay hindi mo ito napapansin
Ang sidhi nitong aking pagtingin
Sana dumating ang tamang panahon
Na ang tadhana tayo ay itataon.

Sabihin mong mali ang pag-ibig ko
At walang karapatan para sa iyo
Sabihin mong mali ang pag-ibig ko
Dahil sa iyo lang ilalaan ito.

Sabihin mong mali ang pag-ibig ko
Na hindi ito nararapat para sa iyo
Sabihin mong mali ang pag-ibig ko
Pero di ko isusuko ang damdamin ko.