Friday, August 5, 2011

Poem 29 - Salamat Sa 'Yo

Minsan nakita kita
Napangiti akong bigla
Di ko alam ang dahilan
Sadya lang may kababawan.

Walang mapagsidlan
Ang aking kasiyahan
At kahit walang paliwanagan
Ang saya ko'y walang hanggan.

Bakit nga ba nagkaganon
Ang takda ng pagkakataon
Wala namang kakaiba sa 'yo
Isa ka sa mga ordinaryo.

Subalit ikaw ang bukod tangi
At di ko yan maitatanggi
Nagbigay ka ng kiliti
Biglaan at walang pasubali.

At tuwing naaalala kita
Napapangiti akong mag-isa
Salamat sa kakaibang saya
Salamat at nakilala kita.


No comments:

Post a Comment