Friday, February 8, 2013

Poem 108 - Tragis

Walang katulad ang saya
Mula ng makilala ka
Mundo ko'y nagkabuhay
Ikaw ang syang nagkulay.

Hindi sumagi sa isipan
Ang nakamit na kasiyahan
Nag-iba ang mundo ko
Simula ng maging tayo.

Nangarap ng gising
Hindi naman lasing
Trip lang kung baga
Subalit sobrang saya.

Ngunit biglang nag-iba
Ang ating pagsasama
Wala kang maidahilan
Sabay ng iyong paglisan.

Gumuho bigla ang mundo ko
Na umiikot lang sa iyo
Paano na ang pag-ibig natin
Sadyang kay hirap limutin.

Minahal kita ng sobra
Higit pa sa aking akala
Naibuhos ko na ng todo
Maiiwan pala akong talo.

Ang mga pangako natin
Nilipad lang ng hangin
Kay sarap pa namang balikan
Iyon pala'y kabaliktaran.

Ako ngayon ay nag-iisa
At ang puso ay nagdurusa
Ikaw na naging pangarap
Kabiguang hindi matanggap.

Paano na ang buhay ko
At lalo na ang puso ko
Ikaw na pinagkatiwalaan ko
Pero ako'y binigo mo.

Ang magmahal ay masarap
Ang mabigo ay mahirap
May dahilan pa kayang mangarap
Ngayong wala na ako sa alapaap.

No comments:

Post a Comment