Friday, March 16, 2012

Poem 61 - Abot Kamay

Kahit anong oras
Kaya kitang abutin
Dahil abot kamay
Ang pagitan natin.

Ang saya pala
Ng sitwasyong ganito
Araw-araw na lang
Kinukumpleto mo ako.

Ang puso ko
Ay sobrang nagdiriwang
Ang bawat tibok nito
Ay para sa iyo lamang.

Napakapalad ko
At andyan ka lagi
Nagbibigay ngiti
Sa aking mga labi.

Ngunit di kita maabot
Kahit anong pilit ko
Mahirap mang tanggapin
Pero ito ang totoo.

Sadyang masalimuot
Ang takbo ng buhay
Sadyang mahiwaga
At napakakulay.

Pero sapat na
Ang kasalukuyan
Masaya na ako
At ikaw ang dahilan.

No comments:

Post a Comment