Friday, January 27, 2012

Poem 54 - Di Sinasadya

Hindi sinasadya
Ang ating pagkakilala
Isang karaniwang tagpo
Walang kakaiba.

Sa paglipas
Ng mga ordinaryong araw
Naging buo ang samahan
Ako at ikaw.

At hindi sinasadya
Na nahulog na pala ako
Akala ko biro lang
Pero nauwi sa seryoso.

Hindi ko akalain
Na ikaw na pala
Ang kakatok sa puso ko
At magbibigay sigla.

Talagang di sinasadya
Ang pagtangi ko sa 'yo
Wala kasing pasintabi
At ako'y nabihag mo.

Di ko maipaliwanag
Kung bakit nagkaganon
Ang alam ko lang
Ikaw na nga 'yon.

Hindi sinasadya
Nang tayo'y magkakilala
At di rin sinasadya
Na minahal na pala kita.


1 comment: