Friday, January 13, 2012

Poem 52 - Minsan Minahal Kita

Tuwing maalala kita
Hindi ko mapagkakaila
Ako ay napapangiti
Hindi ko ito maikukubli.

Alam mo naman ang dahilan
Ikaw ang may dala ng kasiyahan
Ang puso kong nagmamahal
Ikaw ang tugon sa aking dasal.

Minsan minahal kita
At ito'y sa iyo ipinadama
Salamat sa isang pagkakataon
Salamat sa iyong tugon.

Anghel ka sa buhay ko
Ikaw ang nagpatibok ng puso ko
Langit ang bawat sandali
Pag sa piling mo ako'y namalagi.

Ang saya ng mga gunita
Sa tuwing tayo'y magkita
Walang pagsidlan ang kasiyahan
Sapat na ang ika'y masilayan.

Nang minahal kita, totoo 'yon
At mahal pa rin kita hanggang ngayon
Salamat at di mo ipinagkait
Kahit na mahalin kita ng pilit.

Masaya na ako dahil sa iyo
Salamat pa rin kahit di naging tayo
Sapat na ang tinanggap mo ako
Walang alinlangan, walang balatkayo.

Minsan minahal kita
At okay lang sa 'yo
Mas lalo pa kitang minahal
Dahil ika'y naging totoo.



No comments:

Post a Comment