Friday, July 12, 2013

Poem 130 - Sawang-sawa

Lagi-lagi na lang
Laging may kulang
Kainlanma'y di sapat
Damdamin ay nagiging salat.

Sobrang dami nang ungot mo
Lagi na lang may reklamo
Walang katapusang hinaing
Di matapos ang paghahambing.

Sawang-sawa na ako
Sa mga reklamo mo
Ako ng ako na lang lagi
Ang paborito mong sinisisi.

Sawang-sawa na ako
Sa pagmamaktol mo
Ikaw lang ang laging tama
At ako'y walang panama.

Lagi na lang may problema
Bawat kibot may napupuna
Pati mundo ay sinisisi mo
Sobrang laki ng problema mo.

Ang dami nang sinasabi mo
Ultimong pag-utot ng aso nyo
Pati ata tambay sa kanto
Ay di mo sinasanto

Sawang-sawa na ako
Sa mga litanya mo
Pero kahit na ayoko
Ikaw lang ang mahal ng puso ko.


No comments:

Post a Comment