Friday, December 21, 2012

Poem 101 - Tadhana

Itinaon ng tadhana
Ang ating pagkikita
Sa panahong ako'y nag-iisa
At mailap ang ligaya.

Pinapasya mo ang araw ko
Sa tuwing magkikita tayo
Kahit na hindi mo alam
Nakakagaan ka ng pakiramdam.

Walang katumbas ang ligaya
At ang araw ko ay kay saya
Sapat na ang makita ka
Bonus na pag nakausap kita.

Hindi ko sukat akalain
Na kaya mo akong pahangain
Siguro nga ay kakaiba ka
At ako sa iyo ay nahahalina.

Sa bawat segundo na lumilipas
Parang kay bilis ng takbo ng oras
Kahit na gusto pa kitang makasama
Ang oras ay sadyang mabilis talaga.

At sa tuwing magpapaalam ka
Lihim kang hinahatid ng puso kong umaasa
Na sana sa mga susunod pang mga umaga
Ay muling makasama kita.

No comments:

Post a Comment