Friday, December 16, 2011

Poem 48 - Malamig na Pasko

Ilang tulog na lang
At Pasko na naman
Ang bawat paligid
Ay may palatandaan.

Malamig ang hangin
Lalo na sa gabi
Kaya't hanaphanap kita
Dito sa aking tabi.

Kumpleto sana ang Pasko
Kung kapiling kita
Kulang ang kasiyahan
Lalo na't wala ka.

Habang papalapit
Ang inaasam na Pasko
Ang lahat ay nagagalak
May sabik ang bawat puso.

May ngiti ang mga labi
Ng bawat mga kakilala
Umaasa ang puso ko
Na isa ka sa kanila.

Masaya sana ang Pasko
Kung magkasama tayo
Ang ligaya ay magiging lubos
Kung tayo'y magkasalo.

Malamig ang hangin
Lalo na ngayong Pasko
At nagiging malamig ito
Dahil tayo'y magkalayo.

Sana sa susunod na Pasko
Kahit na malamig ang hangin
Tayong dalawa ay magkasama
Ang Pasko ay ating paalabin.

No comments:

Post a Comment