Friday, April 13, 2012

Poem 65 - Anghel

Isang sulyap ko lang
Sa maamo niyang mukha
Ako ay nabighani
At agad napatulala.

Hindi ako makapaniwala
Sa anyong nakita
Sadyang kay ganda
At napakatalinhaga.

Animo'y isang panaginip
Ang aking nasaksihan
Isang magandang nilalang
Ang nasa aking harapan.

Parang bumabang anghel
Na nababalot ng hiwaga
Napakasarap titigan
Kaayaaya niyang mukha.

Hindi ko magawang
Ibaling ang aking paningin
Dahil natatakot akong
Sya'y maglaho sa hangin.

Sadyang di magkamayaw
Ang saya ng aking puso
Nais ko siyang kausapin
Upang pangalan ay matanto.

Subalit nanaig ang kaba
At sobrang nakakahiya
Ako'y nagkasya na lang
Na titigan ang kanyang mukha.

Sa bawat sulyap ko
Ay pilit na ipinipinta
Para hindi siya mawala
Sa aking memorya.

At dumating ang sandali
Na nagtama ang aming paningin
Ngunit siya'y paalis na
Di ko alam ang aking gagawin.

Hinabol ko siya
Ng tinging nakakalungkot
Sana'y nakilala ko siya
Kung di umiral ang aking takot.

At sa aking pag-uwi
Tangan ko ang larawan niya
Tanging siya lang ang laman
Nitong aking memorya.




No comments:

Post a Comment