Friday, February 11, 2011

Poem 4 - Ikaw Lang

Ikaw ang nag-iisang mahal
At ikaw lang ang tanging mamahalin
Dahil sa buhay kong ito
Ikaw ay isang magandang simulain.

Hindi ko mawari at matanto
Ang patutunguhan ng buhay ko
Kung hindi rin lang ikaw
Ang syang mamahalin ko.

Ikaw ang nag-iisa sa puso ko
At ikaw lang ang itinitibok nito
Dahil ang kanyang bawat pintig
Ikaw ang syang dahilan nito.

Hindi sapat ang mga pintig
Ng puso ko para mabuhay
Kung hindi rin lang ikaw
Ang syang magbibigay saysay.

Ikaw ang nag-iisang dahilan
At ikaw lang ang tanging dahilan
Dahil ang dahilan ko para mabuhay
Ikaw ang nagbibigay katuparan.

Hindi buo ang buhay ko
Ang lahat ay walang halaga
Kung hindi rin lang ikaw
Lalong hindi pwede ang iba pa.

1 comment: