Friday, March 1, 2013

Poem 111 - Gabi ng Ligaya



Minsan pa nating pagsaluhan
Ang gabi ng paglalambingan
Namnamin natin ang ligaya
Lubusin natin ang saya.

Habang yakap-yakap kita
Kasabikan ko ay di maipinta
Halos ayaw kitang bitawan
Ayaw kitang pakawalan.

Langit ang nadarama
Tuwing kapiling kita
Walang mapagsidlan ng tuwa
Tagos hanggang kaluluwa.

Ang bawat sandaling dumaan
Sa iyo lang ilalaan
Hinding-hindi ipagpapalit
Ang masasayang mga saglit.

Siguradong ito na
Ang gabing angat sa iba
Dito sa piling mo
Naging buo ang mundo ko.

Minsan pa nating pagsaluhan
Ang gabing puno ng kaligayahan
Dahil pagkatapos ng gabing ito
Magugunaw na ang mundo ko.

1 comment:

  1. Hi sir! Great blog content :) It is very inspiring. Looking forward to read more of your blogs. Keep it up!

    ~A student from 1CSE ♥

    ReplyDelete