Friday, February 24, 2012

Poem 58 - Kursunada

Binati kita
Ng minsang makita ka
Abot tenga ang mga ngiti
Dahil nakita kang muli.

Nag-uumapaw ang tuwa
Abot hanggang kaluluwa
Ang sarap ng pakiramdam
Sana ito'y iyong alam.

Kumakabog ang puso ko
Parang tambol ng musikero
Itong pagkikita natin
Ang saya'y di kayang supilin.

Pero nakalimutan ko pala
Na hindi mo ako kilala
Bigla kang napalingon
At baka may ibang tumugon.

Sumulyap ka lang sandali
At agad mo ring binawi
Tapos diretso na ang lakad mo
Ako'y nakatingin pa rin sa 'yo.

Natawa ako bigla
Bumawi sa aking pagkatulala
Hindi ko sukat akalain
Na ako'y nagpapalipad hangin.

At habang papalayo ka
Pinagmamasdan pa rin kita
Nagkakamot ulo na nakangiti
Damdamin ko'y di naikubli.

Sana'y bukas o sa makalawa
Tayo'y magkakilala na
Para di ako magmukhang tanga
Tuwing binabati kita.


No comments:

Post a Comment