Friday, February 10, 2012

Poem 56 - Ikaw

Kani-kanina lang
Nang makita kita
Hindi magkamayaw
Ang aking kaba.

Tulad ng dati
Nag-uumapaw ang saya
Kulang na lang
Ay yakapin kita.

Sana nga ay pwede
Na mayakap kita
Para mabatid mo
Ang aking nadarama.

Sa mga titig mo
Na sobrang kay amo
Ako'y natutunaw
Lalo na ang puso ko.

Tingin mo pa lang
Tagos na sa puso ko
Kahit di ka mangusap
Ako'y susunod sa 'yo.

Ang pagbati mo
Kay tamis pakinggan
Sadyang nakakaaliw
Ako'y iyong dinuduyan.

Langit ang dating
Boses mo'y kay lambing
Buo ang araw ko
Pag ika'y kapiling.

Ang bawat sandali
Ay sobrang mahalaga
Walang mapagsidlan
Damdamin ay kay saya.

Panahon ay kay igsi
Tuwing kasama kita
Malingat lang sandali
Ikaw ay wala na.

Sa isang kisapmata
Tuluyan ka ng naglaho
Ang susunod na pagkikita
Panahon ang makakatanto.

Salamat pa rin
At napasaya mo ako
Kahit sandali lang
Sapat na ito.




No comments:

Post a Comment