Friday, September 23, 2011

Poem 36 - Sige Na Nga

Talagang walang duda
Na totoong mahal ko sya
At wala ng iba pa
Tanging sya lang talaga.

Kay tagal kong inantay
Upang sya'y makapiling
Taon man ang inabot
Sya lang ang tanging hiling.

Mahirap magtiis at magtimpi
Pag malayo ang mahal
Subalit lahat ay natiis ko
Matawag man akong hangal.

Subalit ang isang takda
Ay mahirap kalabanin
Ang tangi kong minimithi
Inihip lang ng hangin.

Ipaglaban ko daw
Kung ano ang akin
Pero di ko sya pag-aari
At di ko dapat angkinin.

Mahirap man tanggapin
Pero pag di sadyang laan
Kahit anong pilit mo
Ito'y walang kabuluhan.

Sige na nga
Kahit wala akong napala
Kung sadyang ayaw niya
Wala akong magagawa.

Sige na nga
Masakit mang tanggapin
Kung talagang ayaw
Ipapalipad ko na lang sa hangin.


No comments:

Post a Comment