Friday, September 14, 2012

Poem 87 - Tamang Panahon

Tuwing nakikita kita
Buo na ang araw ko
Ikaw ang bukod tangi
Na bumihag ng pusong ito.

Sadyang napakasaya
Ng nag-uumapaw na damdamin
Pilit na ikinukubli
At napakahirap na aminin.

Oo, gusto kita
Simula ng unang tagpo
Mahirap ipaliwanag
Ang kilig nitong puso.

Hindi kayang ilarawan
Ang kasabikan ko sa iyo
Kapag hindi kita makita
Hindi kumpleto ang araw ko.

Laging ninanais
Ng umaaapaw kong damdamin
Na sa bawat sandali
Ikaw lang ang nanaisin.

Marahil ay ikaw na nga
Ang mahal ng puso ko
Dahil tanging ikaw lang
Ang nagpapakabog nito.

Ako ay maghihintay
Na umayon ang pagkakataon
Sana sa iyo'y palarin
Pagdating ng tamang panahon.




No comments:

Post a Comment