Friday, November 25, 2011

Poem 45 - Ikaw Lang

Hawakan mo ang aking kamay
At sabay tayong maglalakbay
Kahit saan, basta kasama kita
Ang mahalaga, magkasama tayong dalawa.

Aanhin ko ang yaman kung wala ka
Ang katanyagan ay wala ring ibubunga
Lahat ng bagay sa mundo ay hindi sasapat
Kung wala ka, ako'y magiging salat.

Ikaw ang araw, buwan, at bituin
Sa aking buhay, ikaw lang ang nanaisin
Di ko pinangarap na ang kalawakan ay maangkin
Sapat na ang ikaw ang tanging mamahalin.

Ikaw at tanging ikaw lang
Ang pupuno sa buhay kong may kulang
Ikaw at wala ng iba pa
Sa buhay ko ang magbibigay saya.

No comments:

Post a Comment