Friday, May 3, 2013

Poem 120 - Ebs



Mahirap pigilin
Ang damdaming nasasaktan
Bakit ikaw pa
Ang siyang maging dahilan.

Hindi ko maintindihan
Ang sakit na dulot mo
Pagkatapos ng saya
Ako'y namomroblema.

Pilit kong tiniis
Ang nadaramang pasakit
Subalit ang kirot
Ay sadyang paulit-ulit.

Dumating ang sandali
Na ika'y dapat palayain
Sinasaktan mo lang ako
Pati na ang aking damdamin.

Napaluha ako sa ligaya
Nang nawala ka na
Hindi pala kita mahal
Kaya't sa iyo'y sayonara.

Hindi na kita nilingon
Ni ayaw kitang tingnan
Isa kang madilim na bahagi
Isa ka ng nakaraan.

At sa pagsabay mo
Sa agos ng tubig sa ilog
Bahala ka na sa buhay mo
Kung lilitaw ka o lulubog.

Sana'y di na muli
Akong makaranas ng ganito
Dahil ako'y nagdurusa
Kapag lumamon ako ng husto.


No comments:

Post a Comment