Mahal ko siya
At wala ng iba pa
Ayaw nyang maniwala
Hindi daw nya nadarama.
Mabuti pa daw ang iba
At buhos ang atensyon sa kanya
Kaya't sya ay masaya
Dahil mahal nila siya.
Anong klase ba yon?
Ang tanong ko sa kanya
Para naman may paraan
Upang sya ay handugan.
Katahimikan ang tanging sagot
Nagmukha tuloy akong engot
Hindi masabi ang gusto
Nais nyang ito ay matanto ko.
Ang hirap pala ng ganito
Di kayang sabihin ang gusto
Ang hirap pa naman manghula
Ako tuloy ay napapatulala.
Simple ako kung magmahal
Sa kalooban ko ito'y bukal
Kung ito ay nais na masukat
Baka ako ay magiging salat.
Sakaling di ko maibigay
Ang ninanais nyang tunay
Paano na ang bukas
Ito ba'y sadyang magwawakas.
Ganito ba talaga ang buhay
Kakaiba at sadyang makulay
Minsan kung kelan ay okay na
Biglang may kung anong hirit pa.
No comments:
Post a Comment