Friday, November 16, 2012

Poem 96 - Mukha

Nang una kong masilayan ang iyong mukha
Ito'y mistulang isang magneto, ako'y napatulala
Animo'y isang anghel na bumaba sa lupa
Kay ganda, kay amo, napakatalinhaga.

Napakasarap tignan ang mukhang iba sa pangkaraniwan
Sadyang takaw-pansin, di kailangang ipagpilitan
Kay sarap tingnan ang bawat anggulo
Bawat parte, nanaisin kong masaulo.

Ah, sadyang nakakabihag ng puso
Napaibig ako kahit di ninais nitong puso
Ang mukhang inosente at walang ginagawa
Masilayan ka lang, itong puso'y walang kawala.

Sadya sigurong ginawang makapangyarihan
Ang mukhang kagaya mo na kaibig-ibig pagmasdan
Upang magbigay saya at inspirasyon
Sa kagaya ko, ibayong saya ang pabaon.

At sa pagdilat ng aking mga mata
Ay baon ko sa gunita ang taglay mong ganda
Isang simpleng bagay na tiyak di mo pansin
Pero isang alapaap ang hatid sa akin.

Siguro sapat na ang pagkakataong katulad nito
Ang ika'y maging inspirasyon dito sa puso ko
Sapat na ang ligayang laging hatid mo
Sa tuwing masisilayan ko ang mukha mo.

Hay buhay. Alam mo iyon, walang kahirap-hirap. Kahit di ngumiti, mukha pa lang, ulam na.

Manang! Kanin pa nga. hehe





No comments:

Post a Comment