Friday, October 12, 2012

Poem 91 - Doble Kara

Meron akong nakilala
Isang nagpapanggap na dalubhasa
Hindi siya padadaig
Lahat ng bagay ay tama siya.

Akala mo ay totoong henyo
Sa taglay niyang titulo
Sa kabila nito ay salat siya
Di maitatago ang pagiging bobo.

Kapag umariba siya ng diskurso
Nangingibabaw ang kanyang tinig
Kahit langaw ay di makadapo
Sa bukas-sara niyang mga bibig.

Sa kanyang mapanlinlang na ngiti
Todo labas pati ang gilagid
Akala mo'y napakasinserong tao
Dahil sa kagalakang nais ipabatid.

Subalit panlabas na anyo lamang ito
Balatkayong walang kapares
Daig pa ang hudas kung umasta
Kung tumraydor ay walang kawangis.

Sadyang mahirap magtiwala
Sa gaya niyang doble-kara
Akala mo ay totoong tao
Isa palang demonyong nakamaskara.


No comments:

Post a Comment