Friday, January 24, 2014

Poem 158 - Pasahero

May isang magandang pasahero
Na pinasakay ng driver na kaskasero
Lahat ay nabighani sa kanyang ganda
Halos lumuwa ang kanilang mga mata.

Umupo sa bandang gitna ang dalaga
Ang maigsi niyang damit ay umurong pa
Pasimple kung sumulyap ang karamihan
May naglalaway pa at gusto siyang hubaran.

Ang matandang dalaga ay halos himatayin
Sa ayos ng katabi ay para siyang aatakehin
Panay ang himas sa kanyang rosaryo
Na para bang nakakita ng isang maligno.

Ang magsyota sa tapat ay nag-aaway na
Todo selos si babae sa gandang ipinagkait sa kanya
Si lalake ay hindi maalis-alis ang tingin
Kulang na lang ang mga mata niya ay bubulagin.

Ang magkakabarkada ay panay ang bulungan
Sila ay nag-iinit at simulang pagpawisan
Kung makatingin akala mo ay gagahasain
Ang dalagang kaakit-akit sa kanilang paningin.

Maging ang driver ay hindi mapakali
Sa salamin nakatingin at hindi sa kalye
Mahigpit ang hawak sa kanyang manibela
Pati ang kambyo ay pinanggigilan na.

Walang anu-ano'y ang lahat ay nagulantang
Ang dyip sa gitna ng kalsada ay nakahambalang
Nalubak ang dyip sa bukas na manhole
Ang isang pasahero ay biglang nagkabukol.

Ang loob ng dyip ay biglang nabulabog
Ang mga pasahero ay unahan sa pagsubsob
Halos magkahiraman sila ng mga mukha
Sabay mura sa driver ng 'walang hiya.'

Ang driver ay halos hindi makangiti
Dumugo ang bibig at ang ngipin ay nabungi
Napakamot ng ulo sa sinapit ng pasada
Ng dahil sa pasahero sila ay nadisgrasya.

Kahit na karambola ang kanilang kinalabasan
Ang mga pogi ay abot-langit pa rin ang kasiyahan
Nagkaroon kasi sila ng magandang dahilan
Upang ang magandang bebot ay kanilang mahipuan.

Ang magandang pasahero ay halos mahubaran
Halos lahat ng lalake sa kanya ay nakadagan
Napangiti na lang siya kahit masaklap ang sinapit
Agad na nag-ayos ng sarili at tumayong pilit.

Sino nga ba ang may kasalanan
O sadyang dumaan lang ang kamalasan
Pero ang bunton ng sisi ay sa driver na pasaway
At di nakapagtimpi sa alindog ng kanyang sakay.


No comments:

Post a Comment