Friday, January 17, 2014

Poem 157 - Salamat, Kaibigan

Sa hindi inaasahang pagkakataon
Ako'y nadapa at nahirapang makabangon
Sadyang napakasaklap nang sinapit ko
Daig ko pa ang sinakluban ng mundo.

Pakiramdam ko ay katapusan ko na
Nakalugmok na ako at nahirapang huminga
Anong delubyo ang pangyayaring ito
At sobrang malas naman ang inabot ko.

Salamat, kaibigan, sa pagdamay mo
Salamat at inabot mo ang kamay ko
Muntikan na akong mawalan ng pag-asa
Pati itong buhay ay bibigay na sana.

Mahirap pala kapag dapang-dapa ka na
Ang mga kakilala ay naglalahong bigla
Sa hirap kung saan mo sila mas kailangan
Iilan lang ang iyong pwedeng makakapitan.

Isa itong masakit na katotohanan
Kapag kasawian na ang pinag-uusapan
Silang mga taong itinuring nating kaibigan
Lumalapit lang sila kapay may kailangan.

Salamat, kaibigan, sa ipinakita mong kabaitan
Langit ang hatid mo sa gitna nitong kapighatian
Salamat at ako'y hindi mo pinabayaan
Habangbuhay kitang laging papasalamatan.


No comments:

Post a Comment