Friday, May 10, 2013
Poem 121 - Karimlan
Madilim ang paligid
Malalim na ang gabi
Naglalamay ako sa dilim
Wala ka sa aking tabi.
Bigla ako nakaramdam
Nang ibayong lumbay
Hindi alam ang dahilan
Parang merong sablay.
Umagos ang aking luha
Nang hindi inaasahan
Lumabo ang paningin
Sa gitna ng karimlan.
Tagos hanggang kaluluwa
Ang lungkot na nadarama
Tahimik akong nagtatangis
Ang sarili ay kinakalma.
Bigla bigla na lang
Nakaramdam ng pag-iisa
Hindi ko pala kaya
Ang makitang wala ka na.
Nakasubsob sa unan
Ang mukhang luhaan
Pilit na nilalabanan
Damdaming nasasaktan.
Tahimik na ang paligid
Malayo pa ang umaga
Pero heto ako at gising
Nalulumbay at nag-iisa.
Basa ang aking unan
Sa pagkasaid ng luha
Dilat ang mga mata
Sa dilim nakatulala.
Sobrang hirap pala
Simula nang mawala ka
Gumulo ang mundo ko
Na umikot lang sa yo.
Labels:
poem
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment