Lagi na lang kita nakikita
Sa harap ng tindahan na nakatunganga
Para mo na rin itong opisina
Wala nga lang maniniwala na boss ka.
Simula pa lang nang pagputok ng araw
Hanggang sa ang dilim ay dumalaw
Nakaalis at nakauwi na ako
Nasa tindahan ka pa rin dyan sa kanto.
Sobrang nahiwagaan talaga ako
Kung anong klase kang tao
Kaya't nagtanung-tanong ako
Na-curious sa pagkatao mo.
Hey, miss, na tambay sa kanto
Di ko masabi na anong ganda mo
Di ko alam kung nagugustuhan na kita
At di ko pa magawang lapitan ka.
Hindi naglaon ay nalaman ko rin
Ang babaeng laman ng aking paningin
Hindi ko alam kung ano ang iisipin
Ngayong natuklasan ko na ang iyong lihim.
Marami pala ang mga raket mo
Malamang ay daig mo pa ang sahod ko
Ending, five-six, hulugang mga gamit
Dinaig mo pa ang bumbay sa iyong mga raket.
Isang gabi ng ako ay papauwi
Nakita kita na nanggagalaiti
Ang karga mong bata ay di mo mapatahan
Ang isa pang bata ay minumura mo naman.
Hey, miss, na tambay sa kanto
Gusto ko pa naman ang ganda mo
Di ko inakala na nanay ka na pala
Napakabata mong nakapag-asawa.
Akala ko ay dalawang paslit lang
Pero may humahangos pang isang nilalang
Ang tatay daw nila ay nagwawala
Lasing at hinahanap ka na yata.
Mura ka nang mura habang papaalis
Ang lahat nang madaanan ay parang winalis
Para kang siga sa iyong inasta
Tyak ang mga miron sa inyo ay magpipiyesta.
Ang buhay nga naman kung minsan
Sadyang kakatwa sa ating inaasahan
Subalit ito ang realidad ng mundo
Gaya ng babaeng tambay sa kanto.
Hey, miss, na tambay sa kanto
Talagang pinahanga mo ako
Ngayon ay nakilala na kita
Saludo ako dahil pambihira ka.
No comments:
Post a Comment